Follow Us @siobesclaycorner

Friday, October 14, 2011

Ang Ipis at Ang Brgy Tanod na Daga

October 14, 2011 0 Comments
December 28, 2006
3:58pm

                Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na bestfriends ko ang mga ipis, pero expression ko lang yun noh! Dahil pag sinabi mong takot ka sa ipis, hahagisan ka nila nito at tatakutin hanggang lumuha ka ng dugo.
                Gabi. Nanood ako ng tv mag-isa, napansin kong may ipis na nakapatong sa isa pang nakahilatang ipis. Akala ko naghahalikan pero habang tumatagal parang iba yung ginagawa ng nakapatong na ipis. Grabe kadiri! Kinakain niya pala yung kapwa niya ipis! At yung parteng ulo lang ang gusto niya. Tapos nung wala nang ulo yung biktimang ipis at hirap at mabagal na naglalakad palayo yung cannibal na ipis, syempre naki-eksena na yung bida at ako yun! Di nako nagpatumpik-tumpik pa, pinalo ko agad siya ng barkong tsinelas at sabay sabing, "Nagkasala ka sa batas ng ipis. Buhay ang kinuha mo kaya’t buhay din ang kabayaran." Ang taray diba? Bad trip nga lang dun ay yung pagkakalat ng lamang tiyan ng cannibal na ipis. Eooowwwww……..


Friday, October 7, 2011

Sino si Shobe?

October 07, 2011 0 Comments

Aking Kapanganakan
                Ako po pala si Michelle Taymun Barquillo. Shobe ang palayaw ko, salitang intsik na ibigsabihin ay nakababatang kapatid na babae. Anak ako ng nanay at tatay ko at may isang ate. Ang mama ko ay taga-Mountain Province at Capiz naman ang probinsya ng papa ko. Hindi ko alam kung importante pang sabihin yun eh di ko rin naman alam kung pano sila nagkakilala eh! Ireresearch ko pa lang.
                Ipinanganak ako sa Hospital ng Maynila. Normal delivery. At ang tsismis saken, isa raw akong malusog na baby. Isa sa mga may pinakamabigat na timbang na ipinanganak sa araw na yun pero kung titingnan mo ako ngaun, parang di naman nangyari yun!