Follow Us @siobesclaycorner

Showing posts with label Essay. Show all posts
Showing posts with label Essay. Show all posts

Thursday, October 18, 2012

Passport Application / Renewal Now Accessible at SM Manila, Megamall and Robinsons Galleria

October 18, 2012 5 Comments
     The Department of Foreign Affairs (DFA) opened its Consular Offices at SM Manila, Megamall and Robinsons Galleria. This is for the convenience of those that aren't near the main office in Roxas Boulevard, Pasay City.


     Don't get to excited and rush to those DFA Offices because they will not accommodate you if you don't have an appointment. So, to set an appointment, click here.

     Take time to read the reminders specially if this is your first time to apply for a passport (like me). Fill up the application form, set the date & time of your appointment and confirm the email they will send you.

These are some important things you need to know:

Tuesday, October 16, 2012

My first attend to the BDJ Fair 2012!

October 16, 2012 2 Comments
     It's already 12:30pm when I reached Mall of Asia and rushed to the Music Hall for the Belle de Jour Fair 2012 hoping not to be late. Luckily, I made it in time for the Bloggers Extraordinaire seminar. Wiw! It might be a lucky day for me because I instantly won a  Bauhaus Jeans in the raffle. 

     Then the emcee called out the first speaker who is a travel enthusiast, Ms Patty Laurel. (follow her on twitter) She gave some insights about her passion in travelling & shared some useful tips, too. For me, the best thing she said was to "Invest in Experience". There are some things you just  cannot explain to other people unless they experience it. Same goes with travelling. 


     I just remember, my mom used to be an OFW before when I was a kid. One day, she told me that if fate permits her, she will still work abroad even at her age now. I am already working so I don't see any reason for her to do that, so I asked why. She said that going to another country widens your understanding to different culture & beliefs. Now I am curious and would like to go to other places and create my own journeys. 

Thursday, September 27, 2012

Anti-Cyber Crime Law Hackers ng Pinas, bumanat na naman!

September 27, 2012 2 Comments
     Pagdating ko sa opisina, matic na sakin ang magcheck ng FB notifications at Twitter Feeds. Bigla akong natigilan sa isang tweet na sumambulat sa akin. 
Another one bites the dust: Anonymous defaces PHL IPO website (): "Expect us." | PHOTO:
Source: Twitter link

     Kahapon kasi pumutok ang balita na nahack ang website ng BSP ng grupo na kung tawagin ay "Anonymous Philippines". But wait there's more! 7 government sites pala ang hinack at ni-defaced nila! 
  • Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
  • Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) 
  • Department of Environment and Natural Resources - Region III
  • Smokefree Philippines of the Department of Health
  • Pilipinas Anti-Piracy Team (PAPT) -  an inter-agency and multisectoral task force fighting intellectual property pirates
  • American Chamber of Commerce in the Philippines (Amcham) 
  • Institute for Development and Econometric Analysis (IDEA)

At ang latest nila ngayong araw ay ang PHLIPO site:


     Na-curious tuloy ako ngayon sa CyberCrime Law na yan kaya naisipan kong mag-research. Nasa site ng "Official Gazette" ang laman ng Republic Act No. 10175 o ang new Cybercrime Prevention Act of 2012 <click here>. May mga section sections pa at nakalagay din kung sino ang mga lumagda sa batas. 

Wednesday, January 4, 2012

My New Year's Resolution

January 04, 2012 0 Comments
What is a New Year’s Resolution?

                Ayon sa kapita-pitagan kong tropang si Wiki, ang New Year’s Reso daw “is a commitment that a person makes to one or more lasting personal goals, projects, or the reforming of a habit. This goal must be reached by the next New Year. Keep in mind that this is a goal, not a wish and should be something that you as a person could strive for.” Simpleng pakahulugan ngunit malalalim ang pinaghuhugutan.

                Hindi ito isang buwang panata o masabi lang na may new year’s resolution ka para makiuso. Hindi ito wish kaya huwag nang mag-isip ng imposibleng bagay na alam mong hindi mo magagawa. Dapat daw madaling abutin o gawin tulad ng pagpapapayat. Pangarap este goal ng mga may kalakihan ang pangangatawan (o chubby para cute). Andyan din ang mga paboritong New Year’s reso na “Hindi na iinom (o kung anung bisyo), malalate at magpapakabuti na.”  mga gasgas na linyang bumebenta pa rin.

                Naisipan ko rin dating i-take ang hamon ng tradisyong ito ngunit isa rin ako sa karamihang nabigo tulad ng mga hindi pinangalanang tauhan na kumukuha ng hunter exam sa anime na hunter x hunter. Magkagayunman, susubukan ko pa rin baka this time maka-tsamba dahil isusulat ko na sa papel at hindi sa hangin ang mga layunin na gusto kong matupad sa taong ito para ichecheck ko na lang yung mga matutupad. At least hindi na masama kung may iilang check kesa naman bokya. Makabubuti rin ito sa atin life journey upang hindi mo maisip na nasayang ang taon dahil parang walang pinatunguhan ang buhay mo.

Heto ang iilan sa mga gusto kong gawin o matupad sa taong ito.

Friday, October 14, 2011

Ang Ipis at Ang Brgy Tanod na Daga

October 14, 2011 0 Comments
December 28, 2006
3:58pm

                Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na bestfriends ko ang mga ipis, pero expression ko lang yun noh! Dahil pag sinabi mong takot ka sa ipis, hahagisan ka nila nito at tatakutin hanggang lumuha ka ng dugo.
                Gabi. Nanood ako ng tv mag-isa, napansin kong may ipis na nakapatong sa isa pang nakahilatang ipis. Akala ko naghahalikan pero habang tumatagal parang iba yung ginagawa ng nakapatong na ipis. Grabe kadiri! Kinakain niya pala yung kapwa niya ipis! At yung parteng ulo lang ang gusto niya. Tapos nung wala nang ulo yung biktimang ipis at hirap at mabagal na naglalakad palayo yung cannibal na ipis, syempre naki-eksena na yung bida at ako yun! Di nako nagpatumpik-tumpik pa, pinalo ko agad siya ng barkong tsinelas at sabay sabing, "Nagkasala ka sa batas ng ipis. Buhay ang kinuha mo kaya’t buhay din ang kabayaran." Ang taray diba? Bad trip nga lang dun ay yung pagkakalat ng lamang tiyan ng cannibal na ipis. Eooowwwww……..


Friday, October 7, 2011

Sino si Shobe?

October 07, 2011 0 Comments

Aking Kapanganakan
                Ako po pala si Michelle Taymun Barquillo. Shobe ang palayaw ko, salitang intsik na ibigsabihin ay nakababatang kapatid na babae. Anak ako ng nanay at tatay ko at may isang ate. Ang mama ko ay taga-Mountain Province at Capiz naman ang probinsya ng papa ko. Hindi ko alam kung importante pang sabihin yun eh di ko rin naman alam kung pano sila nagkakilala eh! Ireresearch ko pa lang.
                Ipinanganak ako sa Hospital ng Maynila. Normal delivery. At ang tsismis saken, isa raw akong malusog na baby. Isa sa mga may pinakamabigat na timbang na ipinanganak sa araw na yun pero kung titingnan mo ako ngaun, parang di naman nangyari yun!

Tuesday, August 30, 2011

Pilipino ka ba?!

August 30, 2011 0 Comments

http://showbuzinessetc.blogspot.com/2011/08/james-soriano-and-his-controversial.html

Masaya akong nanunuod ng video ng Concert ni Vice Ganda sa Youtube ng biglang nagsend ang aking katrabaho ng link na dapat ko raw basahin. Hindi ko nais maudlot ang kaaliwan ko ngunit dahil naintriga ako sa pinadala niyang link, pinatulan ko ito. Tungkol daw kay "James Soriano". At sino un? Basketbolista? Bagong Artista? Nanalo ng Award Abroad? Pasensiya.. Hindi ako nanunuod o nagbabasa ng balita.
At yun na nga nabasa ko ang write up. Napalitan ng inis at umay ang kaninang saya na nararamdaman ko. Naguunahan at nagsisiksikan ang mga ideya sa utak ko na parang mga taong nagmamadaling makalabas sa masikip na tren sa MRT pagrush hour. Ito ay upang ibahagi ang aking saloobin ukol sa isyung ito.
Sa unang bahagi ng kanyang sanaysay ay inihayag niya (Si James ang tinutukoy ko) kung paano niya nakilala ang lenguwaheng minahal at sinamba niya. Inakala niyang ang Filipino language ay ginagamit lamang upang kausapin ang mga tindera, katulong at sina manong, manang sa kalsada. Inisip ko, maaaring dahil sa musmos pa ang kanyang pag-iisip nung naisip nya yun. Dumating sya sa buhay kolehiyo kung saan lalo niyang nakilala ang kwento ng ating sariling wika. Inalam niya lang... hindi minahal.