Sapat ba ang kaalaman mo tungkol sa HIV at AIDS?
Mich
June 29, 2013
0 Comments
Mamayang gabi (June 29, 2013) ay tatalakayin ng palabas na Magpakailanman sa GMA7 ang isang maselang isyung kinahaharap ng ating bansa — ang HIV at AIDS. Gaano na nga ba natin kakilala ang sakit na ito at paano natin mapipigilan ang tumataas na bilang ng mga HIV positive sa bansa?
HIV (Human immunodeficiency virus) ay isang klase ng virus na sumisira ang immune system ng katawan ng tao na kung lumala (kapag humina ang immune system ng tao, madali na itong kakapitan ng sakit) ay mauuwi sa AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) na syang kinatatakutan dahil ito'y nakamamatay. (So, hindi magkapareho ang HIV at AIDS, ok na?)
Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit pinangingilagan ang sakit na ito, ang lipunan na kasi mismo natin ang nagdidikta ng kahihinatnan ng mga HIV positive. Imbes na suporta at lakas ng loob ang ibigay natin sa mga may HIV, STIGMA at diskriminasyon pa ang natatanggap nila. Bakit? Dahil hindi naman natin ito lubusan naiintindihan.
Kung yung taong makakasalubong ko ay kakilala kong may HIV, mahihirapan din siguro akong makisalamuha sa kanya dahil ang thinking ko eh bawal syang lapitan kasi nakakahawa ang kondisyon nya.
Nabago ang pananaw kong ito nung dumalo ako sa 'YES2Test' campaign ng Philippines Legislators' Committee on Population and Development (PLCPD) at UNAIDS through a bloggers forum noong May 31. Tinalakay nila ang tumataas na bilang ng naitatalang HIV positive sa bansa. Akala ko din, kapag may HIV ka na madedeads ka na agad, ngunit nabasag yun nung mameet ko sa nasabing event si Wango Gallaga, HIV positive since 2005. Napabilang ako bigla 2013 minus 2005 = 8 years na siyang may HIV but still kicking!
"Gaano na nga ba natin kakilala ang sakit na ito at paano natin mapipigilan ang tumataas na bilang ng mga HIV positive sa bansa?"
Maaaring sa part na ito, napaopen ka na ng isang tab sa browser mo para isearch ang symptoms ng HIV o kung paano ito makukuha. Madami yan ngunit para makasigurado, bakit hindi mo itry magpatest?
"You know na ikaw ay kandidato for AIDS only because you know your own sexual behavior." - Mareng Winnie (Bawal ang Pasaway: Positibo -Usapang HIV/AIDS)
You know yourself better than anyone else. Be brave. Be informed. Say YES to Test!
References:
http://aids.gov
http://www.plcpd.com