Follow Us @siobesclaycorner

Monday, January 14, 2013

Setting My Goals for 2013



     Nagbalik tanaw ako sa New Year's Resolution blog post ko upang check-an ang mga goals na naisakatuparan ko last year. Naglista ako ng 5 goals at 3 duon ang natupad. (Yey! I'm so great!) 

Eto ang listahan ko nung 2012:

  • Makuha ang diploma
  • Makapagipon 
  • Magenroll ng vocational course
  • MagkaLAPTOP 
  • Travel Abroad

1. MAKUHA ANG DIPLOMA (✔) Not literally kasi hindi ko pa naaasikaso ang pagkuha sa papel na dokumento pero nakapagmarcha naman na ako at masasabi kong college grad na ako! AYOS!



2. MAKAPAGIPON (✔) Nakapag-open ako ng savings account. Eto ang first step ko sa pagiipon. Sana lang tuloy tuloy ko syang mahulugan para hindi amagin haha!

3. MAGENROLL NG VOCATIONAL COURSE (X) Out of nowhere may biglang nag-email sakin ng invitation to take the exam for their scholarship program. Nagabala naman akong pumunta at magbakasakali. At ayun nga, nakapasa naman ako at entitled for a discount sa tuition fee nila kaso that time may binabayaran pa ako at may susunod na pagiipunan kaya I declined the offer. 

4. MagkaLAPTOP (✔) Eto ang nagsilbing grad gift ko sa aking sarili. Naging malaking tulong naman ito sa akin at sobrang satisfied ako sa serbisyo niya. 



5. TRAVEL ABROAD (X) Hindi man ako nakapagtravel last year sa ibang bansa, nakapunta naman ako sa isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas... Ang CORON, PALAWAN. Yun ang pinaka the best na bakasyon ko for 2012 at yun ang first time ko sumakay sa airplane (ASTIG!). Mga nakakatuwa at bagong karanasan sa di pamilyar na lugar kasama ang mga bagong kakilalang mga kaibigan. 





Eto naman ang bago kong check list para sa Year of the Water Snake 2013 (wala lang, makonek lang) 

  • Travel Abroad - Actually last year pa ako nakapagpabook ng ticket bound for Hongkong this June. Kaya parang continuation lang ito nung isa sa goal ko last year. So ngayon, ipeprepare ko na ang sarili ko sa aking muling paglalakbay (Naks!)
  • 365Project (Photo-a-Day) - since meron na akong DSLR, pede na akong magpiktyur piktyur ng kahit anong makita at maisipan ko. At para maging pamilyar ako sa camerang ito, nag-set kami ng aking kaibigan ng proyektong sa December 30 pa ang deadline. Ano ba ang purpose ko sa gawaing ito? Iyon ay matutong kumuha ng litratong may maibabahaging kahulugan sa titingin dito o di naman kaya ay mga larawang hindi masakit sa mata.
  • Artwork for the Week - nais ko kasing maipagpatuloy kahit papaano ang naudlot kong "hidden talent" sa pagddrawing. Kung pahihintulutan ng oras at hindi hahadlangan ng katamaran, nais ko sanang makagawa ng isang artwork (digital man o hindi) isa sa isang linggo. 
  • Update my Blog every Month - madalas kasi akong tamarin kaya this year gusto ko sanang mapagtagumpayan ang katamaran kahit sa maliit na bagay lang. Gusto ko din ma-update kahit papano ang blog na ito dahil tumataba ang puso ko sa mga mangilan ngilan na naliligaw sa blog ko at nag-alay pa ng kaunting oras nila upang magcomment sa mga post ko. Maraming salamat po!
  • Put up a Business - isa ito sa long term goal ko pero kung masisimulan ko ngayong taon eh blessing talaga. Hindi ako magaling magSALES TALK (pramis) kahit may dugong intsik ako wala ako ni katiting na ideya sa pagtatayo ng isang negosyo. Ngunit gusto kong itry ang swerte ko dito. Kahit maliit lang basta maenjoy ko at kumita ako AYOS NA sa akin!

     Naging masaya at fulfilling ang taong 2012 para sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa lahat ng pagpapalang natanggap ko sa taong ito. Salamat din sa binigay Niyang katatagan ng loob para mapagtagumpayan ang mga dumating na pagsubok. Excited na ko sa mga mangyayari sa taong 2013. Kayo ba?

No comments:

Post a Comment