What is a New Year’s Resolution?
Ayon sa kapita-pitagan kong tropang si Wiki, ang New Year’s Reso daw “is a commitment that a person makes to one or more lasting personal goals, projects, or the reforming of a habit. This goal must be reached by the next New Year. Keep in mind that this is a goal, not a wish and should be something that you as a person could strive for.” Simpleng pakahulugan ngunit malalalim ang pinaghuhugutan.
Hindi ito isang buwang panata o masabi lang na may new year’s resolution ka para makiuso. Hindi ito wish kaya huwag nang mag-isip ng imposibleng bagay na alam mong hindi mo magagawa. Dapat daw madaling abutin o gawin tulad ng pagpapapayat. Pangarap este goal ng mga may kalakihan ang pangangatawan (o chubby para cute). Andyan din ang mga paboritong New Year’s reso na “Hindi na iinom (o kung anung bisyo), malalate at magpapakabuti na.” mga gasgas na linyang bumebenta pa rin.
Naisipan ko rin dating i-take ang hamon ng tradisyong ito ngunit isa rin ako sa karamihang nabigo tulad ng mga hindi pinangalanang tauhan na kumukuha ng hunter exam sa anime na hunter x hunter. Magkagayunman, susubukan ko pa rin baka this time maka-tsamba dahil isusulat ko na sa papel at hindi sa hangin ang mga layunin na gusto kong matupad sa taong ito para ichecheck ko na lang yung mga matutupad. At least hindi na masama kung may iilang check kesa naman bokya. Makabubuti rin ito sa atin life journey upang hindi mo maisip na nasayang ang taon dahil parang walang pinatunguhan ang buhay mo.
- Makuha ang diploma – hindi na masyadong big deal sa akin kung makapagmarcha man ako o hindi. Technically graduate na ko dahil tapos ko na ang lahat ng units ko kaya ang dapat ko na lang gawin eh icompletion ang mga INC kong subjects dahil kung hindi ay uulitin ko iyon para lang makatapos. OH MY!!! Tama na po.. Hehehehe….
- Makapagipon – Balak ko ng magopen ng account sa bangko para makapagsimula ng mag-ipon. Sana matupad bwahahahaha!!!
- Magenroll ng vocational course – I want to enhance my skills in the field where I can be more interested. Nakakatuwa na patuloy akong natututo sa pinagttrabahuhan ko ngayon.
- MagkaLAPTOP – para magawa ko yung mga projects pagnagshort course ako. Hehehehe.. Ok, dinadahilan ko lang yun pero sa totoo gusto ko talaga magkalaptop na. Yung high-end sana para kayanin kung magpapraktis ako ng multimedia chorva (chorva – videos, graphic designs, web designs, anime videos etc).
- Travel Abroad – may mga tao sigurong may swerte sa abroad at feeling ko hindi ako yun dahil matatakutin ako. Sa ngayon wala akong mga planong magtrabaho sa ibang bansa pero and interes ko eh magTRAVEL. Gusto ko mapuntahan yung Disneyland kaya gusto ko pumunta ng Hongkong. Tapos dahil sa mahilig ako sa anime, parang gusto ko rin pumunta ng Japan para makita yung mga toys/action figures duon kung kapareho lang ba nung mga binibili sa Comic Alley o Divisoria. Gusto ko din sana sa Europe pero kasing labo na ng tubig poso ang posibilidad na mangyari yun. Hehehehe.. Kaya nagfirst move na ko upang matupad ito. Nag-paschedule na ako ng pagkuha ng passport. Next step - mag-ipon. (Goal# 2)
(Nag-iisip.. <isip, isip..> Walang maisip.. Dagdagan ko na lang pag may maalala ako.)
ETA ng mga goals na ito: Till April 2012 (Kasi yung graduation eh March/April lang diba?) Ay! Maliban pala sa pag-aaral ng short course dahil hindi ko pa alam kelan yun mag-start. (^_^)
Congrats to myself! I was able to start planning my goals for this year. Now I need to start doing what is planned, so it will not to go waste. (Napapaenglish lang…) Sana after 4 months, maalala kong balikan at basahin ito para malaman ko kung ilan ang score ko sa traditional exam na ito.
“To accomplish great things, we must not only act, but also dream; not only plan, but also believe.”
- Anatole France
No comments:
Post a Comment