Follow Us @siobesclaycorner

Tuesday, August 30, 2011

Pilipino ka ba?!


http://showbuzinessetc.blogspot.com/2011/08/james-soriano-and-his-controversial.html

Masaya akong nanunuod ng video ng Concert ni Vice Ganda sa Youtube ng biglang nagsend ang aking katrabaho ng link na dapat ko raw basahin. Hindi ko nais maudlot ang kaaliwan ko ngunit dahil naintriga ako sa pinadala niyang link, pinatulan ko ito. Tungkol daw kay "James Soriano". At sino un? Basketbolista? Bagong Artista? Nanalo ng Award Abroad? Pasensiya.. Hindi ako nanunuod o nagbabasa ng balita.
At yun na nga nabasa ko ang write up. Napalitan ng inis at umay ang kaninang saya na nararamdaman ko. Naguunahan at nagsisiksikan ang mga ideya sa utak ko na parang mga taong nagmamadaling makalabas sa masikip na tren sa MRT pagrush hour. Ito ay upang ibahagi ang aking saloobin ukol sa isyung ito.
Sa unang bahagi ng kanyang sanaysay ay inihayag niya (Si James ang tinutukoy ko) kung paano niya nakilala ang lenguwaheng minahal at sinamba niya. Inakala niyang ang Filipino language ay ginagamit lamang upang kausapin ang mga tindera, katulong at sina manong, manang sa kalsada. Inisip ko, maaaring dahil sa musmos pa ang kanyang pag-iisip nung naisip nya yun. Dumating sya sa buhay kolehiyo kung saan lalo niyang nakilala ang kwento ng ating sariling wika. Inalam niya lang... hindi minahal. 
"For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned"... "It is not the language of privilege."

Hindi mo kelangan maging sobrang patriotic para mainis sa ideyang ito. Siya na ang lumaking privilege. May kaya sa buhay, may kasambahay at may manong na susundo sa kanya sa eskwelahan. Ngunit hindi ito rason para balewalain ang wika ng sarili mong bansa. Oo nga at opinyon nya yun.. We have the freedom of expression at eto rin ang opinyon ko na gusto ko ring ibahagi sa iba upang hindi na dumami pa ang ipanganak na James Soriano. 

God let things happen with a purpose.
  Let's look at the bright side of this issue. Maraming diwa ang nagising at kasama ako doon. Salamat din dito dahil maisasagawa ko na ang matagal ko nang planong mag-Blog. Hehehehe... 
  Sa hinaharap, pag ako'y magkakaanak nais ko rin na maaga itong matuto ng Ingles pero magiging maingat ako na hindi maging arogante ang magiging anak ko dahil lang sa angat siya sa paggamit ng banyagang salita. Hindi lang ito ang batayan nang pagiging matalino o edukado. Bigla kong naalala ang quote na nabasa ko na syang ginawa kong motto tuwing nagsusulat sa slumbook nung elementary at high school... "Knowledge is strong with virtue" Maaari na siguro akong gumawa ng sarili kong quote na hango dito.. "Knowledge without virtue is meaningless"
Ngayon, kumalma na ang mga ideya sa utak ko na parang mga natirang pasahero sa tren ng MRT na syang nakakuha ng upuan at mahinahong naghihintay ng istasyon na kanilang bababaan.

No comments:

Post a Comment