Follow Us @siobesclaycorner

Friday, October 7, 2011

Sino si Shobe?


Aking Kapanganakan
                Ako po pala si Michelle Taymun Barquillo. Shobe ang palayaw ko, salitang intsik na ibigsabihin ay nakababatang kapatid na babae. Anak ako ng nanay at tatay ko at may isang ate. Ang mama ko ay taga-Mountain Province at Capiz naman ang probinsya ng papa ko. Hindi ko alam kung importante pang sabihin yun eh di ko rin naman alam kung pano sila nagkakilala eh! Ireresearch ko pa lang.
                Ipinanganak ako sa Hospital ng Maynila. Normal delivery. At ang tsismis saken, isa raw akong malusog na baby. Isa sa mga may pinakamabigat na timbang na ipinanganak sa araw na yun pero kung titingnan mo ako ngaun, parang di naman nangyari yun!



Buhay Estudyante
                Nagkinder ako sa Southeastern College. Dun din ako nag-grade 1. Wala akong makitang katibayan na nagnursery at prep ako kaya kinder lang talaga siguro tapos grade 1 na agad. Tapos grade 2 hanggang grade 4, sa Padre Elementary School na ako nag-aral at namulat sa hirap ng pagpasok kapag malayo ang bahay at lalo na kapag umuulan pa.
                Naalala ko pa nga noon nung grade 2 ako. Uwian na at kalmado akong nag-iintay ng sundo sa waiting area kahit na medyo kabado dahil malakas ang ulan. Mega antay ako sa tita ko na parang nagka-amnesia ata for a day at nakaligtaang may sinusundo pala siya sa ganung oras.
                Kampante pa ako nung una dahil tatlo pa kaming bata na walang sundo pero nung ako na lang mag-isa ang naiwang kawawang batang walang sundo, duon na sumabay ang aking luha at sipon sa pagpatak ng ulan sa bubungan ng waiting shed. At dahil sa awa ng lady guard sa akin, binigyan niya ako ng pamasahe pauwi at pinasakay ng jip.
ENDING: Pinagalitan ng iba kong tita ang nagka-amnesia kong tita. At di na ko pumayag pang magpasundo. Ever.

Isa pa palang makulit na nangyari sakin sa elementary ay nung nahulog ko sa bintana yung ballpen ng katabi ko. Kinabukasan, pumunta yung nanay ng kaklase ko at kinausap ako tungkol sa naihulog kong ballpen sa likod ng skul. Sabi niya, mahal daw yung ballpen na yun at galing pa raw sa tatay ng kaklase kong nag-aabroad. Nahiya naman ako sa magulang niya, nag-effort pa na puntahan ako para ipaalam ang value ng ballpen na di ko naman sadyang maihulog. Kaya nagpunta ako sa likod ng skul na mukhang gubat at hinanap ang mahal na ballpen sa tapat ng klasrum namen.
ENDING: Di ako sure kung nakita ko yung mahal na ballpen, pero kutob ko nakita ko yun at naibalik sa nangungulilang kaklase. Sa ngayon na naaalala ko yung mga adventures ko nung nasa elemntarya ako, isa lang ang gumugulo sa isip ko. Mukha talagang Reynolds ballpen yung mahal na ballpen ng klasmeyt ko. Kulay blue.

Nung grade 5 to 6, dun na kami sa Quezon City nagpatuloy ng pag-aaral. Nagtapos ako ng elementarya sa North Fairview Elementary School na malayo rin sa bahay ng tito ko na siyang tinutuluyan namin. Ayos naman ang mga taon nay un, kaso puro ako gala. Pero naalala ko lang bigla, nung grade 5 nga pala ako nung tinamad ako sa pag-aaral. Kinuwenta pa ng adviser ko yung mga absences naming at top 1 ako dun! Hehe...
Isang araw pa nga, parang normal na klase pero may masangsang na amoy na nambubulabog sa amin upang hindi makapag-concentrate sa pag-aaral. May patay na pusa pala sa tapat ng room naming. May nagsuggest na tanggalin yun pero hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya yung pinagawa ng suhistyon niya. Edi wala ngayong kumibo sa amin. Walang nagvolunteer na magtatanggal ng patay na pusa. Ewan ko ba, bigla na lang akong tinopak na magvolunteer. Siguro para makabawi sa dami ng mga liban  ko sa klase at siguro umaasa na may plus points yun pagginawa ko ang pagkakawang-gawa kong iyon.
ENDING: Luminis ang hanging aming nilalanghap at mistulan akong bayani for a day sa paningin ng mga klasmeyts ko.

Sa college years, nagkataong nagkaroon ako ng communication sa mga klasmeyts ko nung grade 6. Nagtanong ako sa isa kong dating klasmeyt kung ano ang naaalala niya saken nung magkakaklase pa kami. Ang sagot niya, isang beses daw nanghiram ako ng gameboy sa isa pa naming kaklase at nagpunta sa sulok at nagsolo. Napakagandang ala-ala ang iniwan ko sa kaklase kong yun!

No comments:

Post a Comment