December 28, 2006
3:58pm
Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na bestfriends ko ang mga ipis, pero expression ko lang yun noh! Dahil pag sinabi mong takot ka sa ipis, hahagisan ka nila nito at tatakutin hanggang lumuha ka ng dugo.
Gabi. Nanood ako ng tv mag-isa, napansin kong may ipis na nakapatong sa isa pang nakahilatang ipis. Akala ko naghahalikan pero habang tumatagal parang iba yung ginagawa ng nakapatong na ipis. Grabe kadiri! Kinakain niya pala yung kapwa niya ipis! At yung parteng ulo lang ang gusto niya. Tapos nung wala nang ulo yung biktimang ipis at hirap at mabagal na naglalakad palayo yung cannibal na ipis, syempre naki-eksena na yung bida at ako yun! Di nako nagpatumpik-tumpik pa, pinalo ko agad siya ng barkong tsinelas at sabay sabing, "Nagkasala ka sa batas ng ipis. Buhay ang kinuha mo kaya’t buhay din ang kabayaran." Ang taray diba? Bad trip nga lang dun ay yung pagkakalat ng lamang tiyan ng cannibal na ipis. Eooowwwww……..
Kung nakakairita ang pagpipyesta ng mga ipis sa tuwing uulan, may tatalo pa sa kanila at ito ay yung mga dagang mas malaki pa sa mga kuting.
Ang oras ng tulog ko ay mga ganoong oras, pinakamaaga na ang 12midnyt. Kaya gabi-gabi ay naaalimpungatan ako para buksan ang ilaw at antaying umalis ang rumorondang daga. Minuto lang naman ang tinatagal nila pero dahil sa antok na antok ako, pakiramdam ko’y parang isang taon sila sa itaas ng kama ko.
Hindi lang yun ang nirereklamo ko talaga sa kanila. pati yung pagiging kleptomaniac nila na legal ata sa batas nila. naglagay lang ako sandali ng Champi sa taas ng kama ko, pagbalik ko candy wrapper na lang ang naiwan.
Pagnapuno ako irereklamo ko tlaga sila sa mga may kapangyarihan eh! Pasalamat sila at mahiyain ako at pasalamat din ako kung hindi ay sa mental ako pupulutin.
#
No comments:
Post a Comment